Monday, June 28, 2010

Buhay Barko (Ship's Life)


Nakapag apply ka na ba sa barko? Cargo ba o passenger?

Alin mang barko ang gusto mong subukan lahat mahirap muna ang pagdadaanan, trainings, sangkatutak na dokumentong kailangan lalo na pag "first time mo" kailangan mo ng seaman's book, passport, visa , medical , at marami pang iba depende yun sa napili mong applyan.

Sa aking experience as a seafarer sa isang "Luxury Passenger Ship" base sa Europe madami akong kinailangang requirements. Direct Hire ako sa Company kaya halos lahat ng dokumento ko ako lang ang nag asikaso yung ibang kumplikado na ay ipinasa ko na sa agency. Una, syempre nag apply ako on-line. Syempre siguraduhin mo munang legal ang aapplyan mo at walang hihingin na anumang pera o bayad sa application mo. Nagpasa ako ng C.V. o RESUME sa website ng kumpanya tapos nag antay ako almost 1 week ata ako nag antay sa reply nila. January 2008 ako nag apply, first week ng February 2008 nakatanggap nako ng email galing sa employer na email ko daw sa kanila ang available time and date ko para sa interview ko sa kanila, kailangan kase ako ang mag s-schedule base sa oras nila sa U.K so 8 hours ahead tayo sa kanila. Ini email ko sila at sinabi ko kinabukasan ako tawagan alas diyes ng gabi (10PM) Philippine Time which is 2pm sa kanila. Ng hapon na yun di mo nako makakausap kase nag aaral at nagpapraktis nako ng sasabihin ko sa employer sa mga posibleng itanung nila sakin. Mahaba ang listahan ko simula sa tanong na "Tell something about yourself" na pinaka popular na tanong hanggang sa mga detalye sa C.V ko na pwede nilang itanong. Ang kagandahan lang sa phone interview pwedeng kodigo hehe...Ngayon alas diyes eksakto! nag ring ang cellphone ko eto na! Ang employer na BRITISH!!Kinabahan ako kase sa totoo lang hindi normal ang accent ng mga bitoy ( ika nga sa mga british) hindi mo maintindihan sa umpisa ang accent nila..pero kailangan kong intindihin kase interview na to! Mahirap sa umpisa pero pag matagal mo na silang kausap maiintindihan mo na din..may mga palya akong sagot..meron din namang sa tingin ko ay na impress din sila sa iba kong sagot sa tanong nila..Ngayon tapos na ang interview sabi sakin mag antay ako ng 3-7 days sa email nila kung successful ba ako o hindi...

Nagdaan ang 4 days, nakatanggap ako ng email galing sa kanila. Una natatakot pa akong buksan baka kase I regret to inform you ang umpisa hehe..Pero sa kabutihang palad, ang nakalagay naman ay We are glad to inform you...haay! para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan!! Sa wakas!

Pagkatapos kong makapasa sa aking interview, ini-email nila sakin ang napakahabang listahan "Checklist" na mga kailangan kong kuhanin as requirements to be a seafarer..Me time frame to kailangan ko sya lahat matapos within 2 months kaya medyo pressured ako ng time na yan. Nag wowork pa ako sa isang International Retail Company bilang isang sales person. Sa madaling salita hindi pwedeng absent ng matagal ganyan sa "Sales" madami ka kaseng mamimiss na kliyente, kaya no choice! nag resign nlang ako para makapag asikaso ako ng mga dokumento ko. May isa pang problema! PERA!! magastos mag asikaso...pamasahe at pati mga pambayad at paunti unting "fee" na pagsama samahin mo kahit pa bente bente ay libo nadin di mo lang pansin, at syempre kakain ka pa diba.. Una, kailangan kong kumuha ng "TRAINING" Solas kumbaga. PST, First Aid, Sea survival worth P5,000 yun usually will take 7-8 consecutive days depende sa Training Center mo. Tapos ika 8th day ko nuon, yun ang difficult part for me as a lady (hehe) eto na yun tatalon ka sa swimming pool lang naman kami from 20 feet high tapos yung water 15 feet deep. Scary tlaga kase im afraid of heights sa totoo lang. Pero nalagpasan ko yun habang nasa diving board ako iniisip ko nlang kunyari tatalon ako sa sangkatutak na pera para magawa ko, nakakatawa haha! Nakaya ko naman at eto buo pa naman mga parts ng katawan ko. Atleast, good thing nakaya ko ang fear ko! And then graduate na me Certificate ka na. Sunod nun Crowd Management naman, mga P6000 yun roughly. Eto 2 days lang more on lecture tapos nun may Certificate ka na. Madami talagang matututunan sa pagkuha ng trainings, sa katulad kong first time as seafarer it will help you a lot talaga. After that Passport, meron nako nun matagal na mas maganda talaga kumuha ka na passport kahit di ka pa aalis kase katulad ng mga cases na ganito di mo alam baka bigla ka nlang maka pag abroad. And then, seaman's book. Eto madali lang kailangan lang 5:30-6am nakapila ka na mabilis lang naman ang lakad ng pila, ang matagal lang dto ang waiting mo sa pagrelease nya ng seaman's book mo. Yan ay nuong year 2008, ewan ko ngayon siguro nuon nag antay ako ng 2-3 weeks bago i release puwera nlang kung rush ka na at paalis na at may flight details ka na binibigyan nila ng priority.
Marami ding requirements sa pagkuha ng seaman's book kaya isa pa yun sa dapat mong kumpletuhin. Tapos nun kailangan ko ng kumuha ng C1-D visa, hindi lahat required kumuha nito sa pagkakaalam ko kase depende talaga sa employer mo. Kailangan ko magbayad ng agency para sila ang mag process nito para sa akin pati sa POEA. Ang bayad ko, P15,000 sa agency para lang matulungan ako sa pagkuha ng U.S. C1-D Visa . Tapos nito, medical na kailangan ng ENG1 ito kase and kailangan so ok naman ako. Masakit sa bulsa, oo talaga kaso kailangan nasimulan ko na sayang naman ganun talaga. Mabuti nlang madaming nagpapa loan sa mga seafarer or yung mga paalis palang. Pero advice ko po sa inyo kung meron naman kayong ibang makukuhanan na less and percent per month ng tubo dun nlang kase mataas talaga sa mga lending company pero mahihikayat ka talaga lalo na pag kailangang kailangan mo na at gahol ka na sa oras, kaya ayun nakapg loan naman ako agad at nakatulong din ang pera ng malaki sa panggastos at iniwan ko sa pamilya ang natira. Sa madaling kwentuhan, natapos ko din po lahat at pinadalhan na ako ng ticket. Di pa po nagtatapos duon ang hirap ko. Binigyan ako ng employer ng ticket to Manila-Hongkong then Hongkong- Amsterdam tapos Amsterdam-Copenhagen, di ko first time mag travel sa eroplano pero ang ganito kalayo aba nakakatakot lalo na mag isa lang ako bbyahe ( kase nga direct hire ako) Binigyan ako complete instruction, address at map ng copenhagen sa Denmark...Naku poo!! wala palang sasalubong sakin sa airport! Ibig sabhin nito ako lang mag isa ang pupunta sa port ng copenhagen para sumakay duon ng barko! Binigyan nila ako ng voucher ng hotel kase kailangan kong mag stay overnight sa Copenhagen kase kinabukasan pa ako mag jjoin. Masaya ito!!Adventure!! Wag lang magkaligaw ligaw!!Akalain mo pupuntahan ko ay bansang di ko pa nararating at eto bigla akong dadating duon at mag isang maghahanap ng sarili kong direksiyon!!Nakarating naman ako sa hotel sa tulong ng isang pinoy duon na nakilala ko sa airport! Hay thank you lord!! ang pinoy talaga maasahan mo sa mga oras na ganito lalo na sa ibang bansa kayo..Salamat talaga at ang pinoy makikita mo kahit saan sa mundo!! Tinuro nya sakin kung paano pumunta sa Hotel ko , nagtrain ako buhat ang pagkalaki laki kong Luggage at isa pang malaking hand carry bag. Nakarating din ako sa wakas, halos hindi ako nakatulog sa hotel sa pag iisip kung paano naman ako makakarating sa pier kinabukasan. Eto na ang umaga, alas 9:00 ng umaga kailangan daw andun na ako sa pier sabi ng employer. Alas sais (6am) umalis na ako, ang natitira kong pocket money (U.S.Dollar 100) nagdesisyon ako na i pang taxi nlang sabi ko sa sarili ko isusugal ko na ito kesa naman di pa ko makarating duon at di makasakay ng barko, baka maging TNT nlang ako ng Denmark (hehe). So nagtaxi ako pinapalit ko ang pera ko sa hotel na tinuluyan ko sa pera nila na Denmark Kroner, lahat yun ibinayad ko lang sa taxi. Nakarating naman ako sa port ng maayos kaso wala na akong pera. Todo todo and dasal ko na sana dumating ang barko ko kase yun nlang ang pag asa ko wala na akong pera at wala pang kakilala sa Denmark...Halos 2 oras at kalahati akong nag hintay na ubod ubod ang panalangin. Dininig naman ng diyos ang aking panawagan sa kanya meron akong nakitang pilipino na bumaba ng taxi at kinausap ko sila hay laking pasasalamat ko at parehong barko pala kami! Sila naman ay galing sa agency dito sa pilipinas tatlo sila at sila ay magtatrabaho bilang O.S or ordinary seaman. Maganda kase sabay sabay silang umalis. Eto na dumating na ang barko ko!! ang una kong Barko! napakalaki, nakakalula kung titingnan mo! Hanggang bumaba na ang lahat ng pasaherong halos karamihan ay mga Bitoy o mga British. Pumanhik na kaming tatlo na mga bagong sakay at duon sumalubong sa akin ang halos 80 percent ng nagtatrabaho duon na mga pilipino, haay ang sarap ng pakiramdam, sa hinaba haba ng byahe ko sa wakas para na din akong nakauwi sa bansa natin ng makita ko ang mga pilipino, mga nakangiti at agad tinulungan kaming iakyat ang aming mga bagahe. Sarap talagang maging pinoy!! Tulungan kahit hindi mo pa sila kakilala basta nasa ibang lugar kayo maasahan mo!!!Galing ng Pinoy!!

Unang araw ko sa barko, ako po ay nagtatrabaho bilang isang Shop Assistant sa Duty Free Boutique duon!! Di ko pa alam ang gagawin kaya ako ay tinitrain pa ng aking manager, siya ay Romanian na babae 26 years old. Mabait siya at talagang tinuruan nya ako sa mga unang araw ko sa trabaho. Mayroon akong kasama bitoy na babae di bale 2 kami bilang Shop Assistant at isang Manager. Mahirap ang trabaho namin sa barko, mga babae kami pero ang mga binubuhat naming mga kahon malalaki at mabibigat. Wala namang ibang gagawa nito dahil kami lang 3 ang nagtatrabaho sa Shop. Kapag dumating ang delivery namin, 300-400 boxes kami lang tatlo ang nagpapasa pasa sa pagbuhat sa mga kahon, manggagaling ito sa 4th Deck ng barko iaakyat namin lahat sa 5th deck at pagkatapos bilangin ultimong kaliit liitang tsokolate bibilangin namin at pagtapos ibaba naman namin lahat sa basement ang mga kahon as in lahat ulit, imagine 300-400 boxes kami lang nagbubuhat?May laman mga pabango , tsokolate , damit at kung anu ano pang tinda namin sa barko. Masikip ang dinadaanan namin sa basement at mano mano lang ang lahat.Gusto man kaming tulungan ng kapwa pinoy kaya lang may sarili din silang ginagawa at trabaho.Madami kang matututunan sa barko, mahirap?ganun talaga wala ka namang pagdadaanan sa buhay na madali agad sa umpisa.

Grabe sobrang pagod, mga kalahating araw din kaming nagbubuhat ng mga kahon, kakain lang sa crew mess ang pahinga. Mga pagkaing pinoy din ang mga pag kain, sa una masasarapan ka pa sa ibang version ng mga lutong pinoy kase iba ang mga rekado kadalasan baka at manok bihira ang baboy kase di masyadong kinakain ang mga ibang nationalities. 2 ang mess namin isa sa crew ( more on pinoy ang kumakain at pagkaing pinoy dto, at ang isa ang officer's mess, sa mga officers to at mga entertainers ang pagkain dto European food. Pagtapos namin kumain ng madalian konting pahinga at ligo lang kami. Pag umalis na ang barko sa port magbubukas naman kami ng Shop, balik trabaho na! Natatapos kami araw araw 11pm na. Madaming trabaho sa barko lalo n pag waiter, housekeeping at kitchen. Ika nga para kang duktor 24/7 kang on call. Di pwede absent, walang dayoff meron ilang hours na off ka lang. Pag may sakit ka kailangan kang tingnan ng duktor sa barko kung talagang ang sakit mo di pwedeng magtrabaho kase kung simpleng sakit lang ng ulo di pwede trabaho padin bibigyan ka naman ng gamot..Masarap magtrabaho sa Shop kase di kami pwedeng mag bukas ng Shop namin pag nakadaong kami (Custom's Rule) Kung simula umaga hanggang gabi kami sa port maghapon din kaming sarado, in short, wala kaming trabaho sa Shop mag hapon na gala nalang kami. Byahe namin Meditterenean, Scandinavian at marami pang ibang European places tulad ng England,Russia, greece, italy, Norway, switzerland,sweden, poland,slovenia, bulgary, croatia at marami pang iba. Ngayon nasa Greece kami, bukas nasa Russia naman, Ganun, masaya at madami kang mapupuntahan, papicture para may souveneir, bumili ka ng konting memorabilia kung may pera ka, mahal kase 5-10 Euros fridge magnet palang yun! Can't afford kaming mga pinoy mag dine dun minsan pag wala pang sweldo sobrang mahal naman kase kaya bago ka bumaba ng barko para gumala kumain ka muna sa mess o kaya bumalik ka nlang ng barko pag gutom ka na! Ang sa amin lang basta makalanghap ka ng sariwang hangin ng ibang bansa ok na yun at sangkaterbang picture taking, solve! Balik barko na!I upload na sa facebook at ipakita sa pamilya ang mga narating mong bansa masaya na kami ng ganun! Gimik sa Crew bar sa gabi hanggang 1am lang may curfew, after ng 1am kailangang lahat nasa kabina na kung anung gusto mong gawin sa loob bahala ka na!!

Once evry two weeks meron kaming Crew Drill dto ginagawa namin ang drill for additional training nadin lalo sa mga bagay na posibleng mangyaring aksidente, may exam, may recitation, kailangang masagot kung hindi ipapatawag ka ni kapitan! Every two weeks or more disembarkation, kung saan bumababa na lahat ng pasahero at magsasakay ulit kami ng mga panibagong pasahero. Dito may Passenger Drill naman kami, lahat kailangang umattend, nagtatrabaho ka man ng oras na yun kailangan mong iwan (excuse naman lahat sa trabaho) dito isinasagawa ang drill sa pag eevacuate ng mga pasahero in case na may emergency, may kanya kanya kaming station at papel na gagampanan sa bawat estasyon kailangan mong gawin iyon na tama. Bawal ang pagkain sa loob ng kabina (Crew Cabin), madaming bawal depende sa Rules ng barko.

Masaya naman pero madalas malungkot pag mag isa ka nlang sa kabina mo naalala mo ang mga mahal mo sa buhay. Gusto mong makausap depende kung may signal ang barko kapag nasa england kami nakakatawag kami sa pamilya namin mas mura kase dto ang tawag. Malungkot minsan may tsansa kang tumawag kaso ang tinatawagan mo WALA! hay ang hirap malungkot wala ka man lang makausap na pamilya mo. Mayroon nga akong kasamahan nagtatrabaho sya sa kusina,nakayempo sa trabaho at nagkaroon ng pagkakataong makatawag sya sa misis nya , pagtawag nya nalaman nya sa misis nya mismo na gusto na syang hiwalayan at may kinakasama ng iba. Nakita namin lahat ang paghihirap nya sa loob ng barko isang beses nga nahimatay sya habang nagtatrabaho tapos iyak ng iyak, grabe, halos bantay sarado sya sa mga kaibigang pinoy nya dun baka kase tumalon nalang bigla sa dagat. Masalimuot minsan ang buhay! Kung kailan ka nag pupursigeng magtrabaho para sa minamahal mo atsaka ka naman iiwan..malungkot ang buhay. Kapwa pinoy sa barko minsan nagkakadevelopan sa isa't isa sa sobrang pag iisa kahit kapwa may asawa. Ganun talaga ang buhay, madaming nangyayari kapag sobra kang nalulungkot lalo na sa barko kung hindi ka matatag sa pananalig mo sa diyos at sa pamilya mo.Kaya naman ang maipapayo ko sa mga pami-pamilya ng mga seafarer dto sa pilipinas huwag kayong masyadong mapaghanap lalo na pagdating sa pera ipinapadala sa inyo, aba, hindi po namin pinupulot ang pera sa barko maaring akala nyo masarap, oo, pero mas masarap ang buhay nyo dito sa pinas kase tanggap nalang kayo ng tanggap.Bili dito bili dyan, lalo na kapag kapapadala lang ng seaman mong asawa! Naku parang laging piyesta sa bahay!Ang mga kamag anak naman na dati rati di mo napagkikikita ngayon madalas na sa inyo kunyari tumutulong tulong pero nag aantay maambunan ng grasya!!Lalo na kapag kauuwi lang ng seaman/seawoman, one day millionaire ika nga, kailangan may pasalubong kay ganito at kay ganyan! Kapag naubos na ang perang pinaghirapan mo ng ilang buwan o taon balik barko ka na naman na butas ang bulsa! yung iba wala pang naiipon o naipupundar man lang kaya pag natanggal na sa barko at di pa nakakasampa ng matagal, asan na ang pera mo nuon na pinaghirapan?Di man lang umabot ngayong ng kahit ilang buwang panggastos nyo! Asan na ang mga kamag anak mong umuuto uto sa iyo nung mga oras na paldo ka pa sa pera?Asan?kapag hiniraman mo ngayon sila sabihin nila sayo ay gipit din sila,wala silang maipapahiram sayo kahit singko! Eto ay di ko naman inilalahat pero madalas po ganito ang nangyayari!Minsan nangungutang ka sa dati mong biniyayaan din, di ka na nga pahihiramin eh sisiraan ka pa!! Naku po!! Tao nga naman!! Ganyan ang nagagawa ng pera sa tao!Malakas dating mo kapag madami ka nito!!Pagwala kana! Di mo na alam kung sino ang tunay na tao na malalapitan mo!!Ganyan ang buhay!!Kaya kayong mga seaman o seawoman, habang andyan pa magpakabait tayo!!Oo nga life is short diba kailangang enjoyin pero isipin din natin ang kinabukasan ng pamilya, lahat ng bagay sa mondo hindi permanente, ngayon meron ka baka bukas wala na. Kaya magpundar habang meron kung matigil man tayo sa di inaasahang pangyayari meron tayong back-up plan ika nga.Sa mga nagnanais namang mag barko, sa akin lang kapag andun na kayo magpakatatag kayo at isipin ang dahilan kaya kayo nagbarko ay para sa pamilya nyo!!

Sana ay nagustuhan nyo ang kwento ng buhay ko sa barko, mag email lang sa davwardash@yahoo.com kung mayroon kayong ideas na gusto nyong talakayin natin sa susunod na paksa. Maraming salamat po!!

22 comments:

  1. Thank you for posting this, nainspired ako na pagpatuloy ang pagbabarko kahit mahirap kakayanin dahil pinoy tayo. God bless.

    ReplyDelete
  2. Anong website yan? interesado kasi ako s ganyang trabaho. Thanks and God bless

    ReplyDelete
  3. Thanks for sharing your post. You could visit http://nsms.ph, one of the best manning agency in the Philippines.

    ReplyDelete
  4. ..wow, grabe. Ate GOD BLESS YOU po inspired talaga ako sa kwento mo, medyo natakot ako dun sa part na ikaw lang mag isa sa pag byahe lalo na dun sa huling hirit ng pera mo pagbayad ng taxi. Sa part naman po na umiyak ang lalaki na gusto ng hiwalayan ng asawa huhuhu napaluha talaga ako dun. Pero ganun pa man. Nais korin makamit ang pangarap ko sa pagbabarko.thank you ate....

    ReplyDelete
  5. ..wow, grabe. Ate GOD BLESS YOU po inspired talaga ako sa kwento mo, medyo natakot ako dun sa part na ikaw lang mag isa sa pag byahe lalo na dun sa huling hirit ng pera mo pagbayad ng taxi. Sa part naman po na umiyak ang lalaki na gusto ng hiwalayan ng asawa huhuhu napaluha talaga ako dun. Pero ganun pa man. Nais korin makamit ang pangarap ko sa pagbabarko.thank you ate....

    ReplyDelete
  6. ..wow, grabe. Ate GOD BLESS YOU po inspired talaga ako sa kwento mo, medyo natakot ako dun sa part na ikaw lang mag isa sa pag byahe lalo na dun sa huling hirit ng pera mo pagbayad ng taxi. Sa part naman po na umiyak ang lalaki na gusto ng hiwalayan ng asawa huhuhu napaluha talaga ako dun. Pero ganun pa man. Nais korin makamit ang pangarap ko sa pagbabarko.thank you ate....

    ReplyDelete
  7. Your story is very inspiring sana maging tulad mo rin ako malakas ang loob at maswerte.

    ReplyDelete
  8. Your story is very inspiring sana maging tulad mo rin ako malakas ang loob at maswerte.

    ReplyDelete
  9. Gusto ko makapag trabaho sa cruisehip.

    ReplyDelete
  10. Nakakalungkot pala tlaga buhay ng nagbabarko,, naiisipan ko pa ng masama minsan ang asawa ko,, pero may needs ang lalaki eh nagkakadevelopan pala talga jan sa barko,, di murin sila masisi nalulungkot,, eniwey,, naktulong to ng sobra para di nako magisip ng masama sa asawa ko,, ang hirap pala tlg ng ginagawa niya dun,, thnks ulit

    ReplyDelete
  11. Wow thank you ate, sobrang na inspire ako sa kwento mo. Pangarap ko kc mag barko. I hope by nxt yr pag uwi ko ng pinas matanggap ako :-).

    ReplyDelete
  12. Hello ate, please notice me!!! May tanong po ako at gustong malaman about sa seafarer. Please po pa add if ever mabasa niyo na ito. Thank you in advance. God bless ��������

    ReplyDelete
  13. Ate anong company or agency nyo po? Gusto ko rin mag apply ate hehd

    ReplyDelete
  14. Good evening :) my solas cirtificate napo ako paano ba mag apply ?

    ReplyDelete
  15. Lahat po ng inaaplyan q ay nag hahanap ng backer. Na ubos na po pera q sa pag aaply. Sana po meron dito mka tulong sken sumampa. Kktpz q lng mag cadet po ksi. Inter island po ung exp q po. At ayaw din aqng tulungan ng family q po dahil galit po sila sken sa reason na nag gf po aq at nag mahal po. Pero na intindihan q po sila. Gusto q lng po mka sampa ng matulungan q sila. 😢😢😢 ito po email q. liu.wen.ming.0526@gmail.com

    ReplyDelete
  16. interesado din poh ako sa kahit anung trabaho kasi nasubukan ko laht ng trabaho sa bahay,sa restaurant, sa mga establishment like japanese restaurant,at chowking,sa computer shop,sa pharmacy,working student ako nung college ako,sa electronics present ko nagyun nyan.at care giver sana may isang taong makatolong sakin makapasok sa barko. . salamat at GODBLESS poh satin lahat

    ReplyDelete
  17. Subrang na inspired ako sa ibinahagin mong kwento .. maraming salamat po ..

    ReplyDelete
  18. Super nakaka inspired! I hope someday makasakay din ako ng barko. 🙏

    ReplyDelete
  19. required po ba na graduate ng maritime institute para makapag trabaho sa cruiseline o sa kahit anong barko?

    ReplyDelete
  20. Pano po o saan pi nakakapag apply ? Kelangan po ba may experience ?

    ReplyDelete
  21. Kahit anong work po ba sa barko need ng experience?

    ReplyDelete